Love is Magic, Indeed.

Love is Magic, Indeed.
by Kharu435 of Wattpad

Magkaibigan.
Ganyan tayong dalawa.
“Best Friends” pa nga diba?
Palagi tayong masaya, palagi tayong magkasama..
Pag-pasok, pag-uwi, pag lunch time, free time.. minsan nga kahit weekends pa..
Yan ang bestfriends!! Hindi nag-iiwanan.. Best Friends Forever kaya tayo!!!
Pero, noon lang pala yun.
Noong bago ko naramdaman ‘tong kakaibang pakiramdam na ‘to.
Alam ko, hindi na lang bestfriend ang turing ko sayo..
Mahal na yata kita eh. 😦
Masisisi mo ba ‘ko? Sabi nga nila perfect catch ka na raw eh.
Tapos ako pa na araw-araw mong kasama, hindi mai-inlove sa’yo?
Ilang taon ko ring inalagaan ang pagka-kaibigan natin.
Natatakot akong masira ko yun.
Ayokong layuan mo ‘ko.
Ayokong iwasan mo ‘ko.
Ayos lang kahit nasasaktan ako sa bawat sulyap ko sa’yo..
Alam ko namang hindi lalampas sa best friend ang turing mo sa’kin..
Ay, Pwede pala. ^__^
Bilang kapatid =((
Ayos na sa’kin yung hindi mo suklian ang pagmamahal ko..
‘Wag mo lang kukunin sa’kin yung mga bagay na bumubuhay sa puso ko ngayon..
Sa puso ko na unti-unting nadudurog sa bawat ngiting pinapakita mo..
Yung bati mo sa’kin tuwing umaga..
Yung boses mo na nakakapagpa-talon sa puso ko..
Yung ngiti mong bumubuo sa araw ko..
Yung mga biro mo na kahit nakakainis na, napapakilig pa rin ako..
Yung mga jokes mo na kahit sobrang corny, napapangiti pa rin ako..
At higit sa lahat..
Yung presensya mo.
Basta alam kong nasa tabi kita, ayos na ako.
Martir ba? Ayoko lang talagang mawala siya sa’kin
Nakayanan ko naman.
Naitago ko lahat-lahat kahit araw-araw, parang sa isang maling galaw lang ng dila ko, mawawala lahat ng pinag-hirapan ko.

Kaso, isang araw..

“Pamsy Best friend!!!” Sabay ngiti niya sa’kin.
Nginitian ko rin siya, umaasa na balang araw, hindi na lang best friend ang kadugtong ng pangalan ko..
“Morning Dan..”
“May sasabihin sana ako eh..”
“A-ano yun?”
“Pwede ba dun sa tayong dalawa lang?”
Ano kayang sasabihin niya?
“Oh, ano na?”
“Uhh.. Ano kase..”
“Hmm??”
“Ikaw lang ang babaeng napalapit sa’kin ng ganito.. Alam mo yan..”
Ang lakas ng tibok ng puso ko..
“Kaya gusto kong sabihin to sa’yo, gusto kong ikaw ang unang maka-alam..”
Napa-ngiti ako..
“Liligawan ko na si Aileen..”
Sa oras na yon, gumuho ang mundo ko.

– – –

Katulad nga ng sinabi niya, niligawan niya si Aileen.
Maganda siya, bagay sila.
Masakit.
Pero masaya siya eh. Sobra. Kaya palalayain kita, kahit na in the first place, noon ka pa naman malaya.
Ginawa ko lahat para iwasan siya.. Hindi ako nagpupunta sa tambayan kahit alam kong araw-araw hinihintay niya ako doon.
Hahayaan kong maging masaya sila. Yun naman ang role ng mag-bestfriend diba? ANg pasayahin ang isa’t-isa?
But in my case,
Siya lang ang masaya.
Ilang buwan na ang lumipas. Walang nagbago, mahal ko pa rin talaga siya.
Wala na akong balita sa kanya. Hindi nga niya ako hinahanap eh.
Baka sila na ni Aileen.
Ayoko nang masaktan. Ngayon ko lang na-realize yun.
Kung kelan patay na ang puso ko..

[ PROM DAY ]

Wala akong date. Required lang talaga sa amin ang pumunta dito… kahit na ayaw ko, kasi baka may makita akong kung ano, pumunta na rin ako.
Lahat ng mga kaibigan ko nagsasayaw na.. Habang ako, nandito sa table mag-isa.
Nakaisip ako ng solusyon.
Lumabas ako ng gym at nagpunta sa fields. Dito, walang love songs at walang love birds. Tahimik, stars lang ang kasama ko.
Maya-maya..
“PAMSY!! PAMSY! hAA!” Hingal na hingal si Kathy.
“Oh, anong meron Kathy?” Tumingin ako sa orasan.. 9:30 PM
“E-eto, para sayo, sa bag ko napalagay pero mukhang sayo. Ang layo naman kasi ng pinuntahan mo, mage-emo ka na nga lang! Geh!”
Tiningnan ko yung… Sulat??
“To the one with curly hair, wearing a tiara and a pink gown.”
No doubt, sa’kin nga ‘to.
Sa unang linya pa lang ng sulat, kumirot kaagad ang puso ko.
“Best Friend, I miss you..”
Nakakainis. Sobra. =((
“Galit ka ba sa’kin? Bakit mo ‘ko iniiwasan? Hindi mo ba alam na nasasaktan ako sa ginagawa mo??”
Hindi mo ba alam na mas nasasaktan ako??
“Bigla-bigla ka na lang umiiwas ng walang pasabi kung bakit. Halos mabaliw na ‘ko alam mo ba yun? Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong sabihin lahat sa’yo..”
Sinasabi nito?
“Hindi naging kami ni Aileen..”
So? Ano kailangan mo ng karamay?
“Kasi, hindi niya ako mahal.. At hindi ko rin naman siya mahal.”
“Walang anumang namagitan sa’ming dalawa.. Lahat yun palabas lang.. Palabas na pinlano ko talaga para sa’yo.. But unfortunately, mukhang hindi gumana. Masaya ka talaga sa nangyari eh.. halos ipamigay mo na nga ako sa kanya..”
Napapangiti ako. Bwisit.
“Akala ko kasi, kapag ginawa ko yun.. Mapapansin mo ako.. Mapapa-amin kita. Kaso, TAKTE. Mas matatag ka pa yata sa’kin! Best friend nga lang ata talaga ang tingin mo sa’kin.. naperwisyo ko pa tuloy si Aileen. Bakit ba ang manhid mo ha Pamsy??”
Aba. Ako dapat ang nagsasabi niyan ah?!
“Hoy engot. Mahal kita! Hindi mo ba napapansin na palagi akong nagpa-pagwapo para sa’yo kahit alm kong sobrang gwapo ko na? Palagi akong nagpapa-cute sa pag-ngiti kahit hindi ko na kailangan yun? MAHAL KITA HIGIT PA SA BESTFRIEND!!”
FOR REAL?? O_________O
‘P.S. pasensya na, torpe ang best friend mo. Mahal lang talaga kita kaya ayaw kong mawala ka sa’kin. Pero ngayon, hindi ko na kaya eh..
Kung willing ka pang bigyan ako ng chance, punta ka sa tambayan ng 9PM. I’ll be waiting for you no matter what, gaya ng lagi kong ginagawa. I love you.”
Totoo ba ‘to? As in??!!
All this time.. pareho lang pala kami??
Ay tangek!
9:45 PM na!!
Tumakbo ako, tinanggal ko na yung heels ko para hindi hassle. Late na ‘ko!!
Nakarating ako by 9:50.
Nagulat ako sa nakita ko..
A table for two..
Yung flowers naka form ng heart..
It was perfect.. Except for one thing..
Walang Dan na nagpakita sa’kin..
Nung lumapit ako sa table, may nakita akong letter.
“Sabi ko na, hanggang best friends lang talaga tayo. Sorry for the corny letter.”
Tumulo na lang yung luha ko.
This was all I’ve been dreaming of.
Tapos ano? Sinira ko lang?
“Nakakainis! Ikaw naman, Sabi mo you’ll wait for me no matter what??!! Wat-watin ko mukha mo!!”
Ako napaka-raming patience ang binigay sa kanya.. Tapos siya, 50 mins. lang akong late hindi pa niya nahintay??
Nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa’kin galing sa likod..
“Kala mo iniwan kita? ‘To naman walang tiwala sa’kin! I told you I’d wait for you no matter what, right? Tinetest ko lang kung mahal mo rin ako..”
Kung mahal mo ‘RIN’ ako.. Sarap pakinggan.. ^____^
“Bwisit!! Naka-kainis ka!!”
“Tsk. Common sense Pamsy, tngin mo maga-abala pa akong mag-iwan ng letter dito kung alam kong ‘di ka pupunta? Syempre alam kong wala kang ligtas sa ka-gwapuhan ko kaya pupunta ka at mababasa mo yun. The perfect crime. Bwahahaha!! Iniiyakan mo pala ako ha? Uyyyyyyyyyyyyyy.. Hahah!!”
“Ah ganun? Pag-katapos ng lahat ng ginawa mo sa’kin, tatawanan at aasarin mo lang ako?”
“So? It’s my way of showing you how much I love you. Matatpos na ang prom, could i be your first and last dance?”
“Sure thing”
Then we danced. Ngayon, hindi na lang one-sided ang lahat. Wala nang nasasaktan.
Ni minsan, hindi ko pinagsisihang minahal ko siya.

Love is Magic, Indeed.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s