Status : Crush

Ano nga ba ang feeling mo kapag nakikita mo si “CRUSH”?
Yung tipong sasabihin mo sa sarili mo na buo na yung araw mo, na kapag nakikita mo siya kinikilig ka yung tipong hinahampas muna yung katabi mo.
Yung masaya at kuntento ka na makakita ng different expression sa kanya at dahil dun feeling mo kilala mo na siya.
At kapag nakikita mo siya mula sa malayo sigurado ako na tunaw na siya sa sobrang pagkaka-titig mo sa kanya.
Masasabi mo rin sa sarili mo na expert ka na sa pagtitig sa kanya yung tipong kahit na nakatalikod siya at kahit nasa malayo alam mong siya yun.
Meron pa nga na dahil hindi ka kuntento na isang beses lang sa isang araw nakikita yung crush mo, kinukuhaan mo rin siya ng picture kahit stolen lang at kumukuha ka rin ng picture niya sa facebook at gagawin mong wallpaper sa cellphone mo.
Aminin niyo ginagawa niyo talaga yun. At aminin mo man o hindi nagiging stalker ka na ng crush mo, yung tipong i-add mo siya sa Facebook o saan mang social networking site na meron siya at dun ka lang palagi sa profile niya nakatambay yung bang titignan mo lang yung DP niya at ili-like ang mga status niya.
Pero in reality ganito lang kayo ni Crush, yung tipong dadaan siya pero titignan mo lang siya. Lalampasan ka niya at ikaw naman susundan mo lang siya ng tingin. Ganyan lang ang routine mo everyday na makikita mo siya. Hindi mo nga magawang lapitan at kausapin dahil nahihiya ka sa kanya.
Ang saklap!! Hay buhay crush nga naman!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s